|
||||
126. Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak Gerero�y hindi na napigil ang habag Tinunton ang boses at siyang hinahanap Patalim ang siyang nagbukas ng landas 127. Dawag na masinsi�y naglagi-lagitik Sa dagok ng lubhang matalas na kalis Moro�y di tumugo�t hanggang di nasapit Ang binubukalan ng maraming tangis 128. Anyong pantay-mata ang lagak ng araw Niyong pagkatungo sa kalulunuran Siyang pagkatalos sa kinalalagyan Nitong nagagapos na kahambal-hambal. 129. Nang malapit siya�t abutin ng sulyap Ang sa pagkatali�y linigid ng hirap Nawalan ng diwa�t luha�y lumagaslas. 130. Malaong natigil na di nakakibo Hininga�y hinabol at biglang lumayo Matutulog disin sa habag ang dugo Kundangang nagbangis leong nangagtayo. 131. Naakay ng gutom at gawing manila Nag-uli sa ganid at nawalang awa Handa na ang ngipi�t kukong bagong hasa At pagsasabayan ang gapos ng iwa. 132. Tanang balahibo�y pinapangalisag Nanindig ang buntot na nakagugulat Sa bangis na anyo at nginasab-ngasab Puryang nagngangalit ang siyang katulad. 133. Nagtaas ang kamay at nangakaakma Sa katawang gapos ang kukong pansira Nang darakmain na�y siyang pagsagasa Niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa. 134. Inusig ng taga ang dalawang leon Si Apolo mandin serpyenteng Piton Walang bigong kilos na di nababaon Ang lubhang bayaning tabak na pamutol. 135. Kung ipamilantik ang kanang pamatay At saka isalag ang pang-adyang kamay Maliliksing leon ay nagalilinlang Kaya di nalao�y nangagumong bangkay. 136. Nang magtagumpay na ang gererong bantog Sa nangakalabang mabangis na hayop Luha�y tumutulong kinalag ang gapos Ng kaawa-awang iniwan ng loob. 137. Halos nabibihay sa habag ang dibdib Dugo�y nang matangnang nunukal sa gitgit Sa pagkalag niyang maliksi�y nainip Sa siga-sigalot na madlang bilibid. 138. Kaya ang ginagawa�y inagapayanan Katawang malata parang bagong bangkay At minsang pinatid ng espadang tangan Walang awang lubid na lubhang matibay. 139. Umupo�t kinalong na naghihimutok Katawang sa dusa hininga�y natulog Hinaplos ang mukha�t dibdib ay tinutop Nasa ng gerero�y pagsaulang loob. 140. Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay Ng kaniyang kalongna kalumbay-lumbay Ninilay niya at pinagtatakhan Ang dikit ng kiyas at kinasapitan 141. Namamangha naman ang magandang kiyas Kasing-isa�t ayon sa bayaning tikas Mawiwili disin ang iminamalas Na mata, kundangan sa malaking habag. 142. Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob Ngunit napayapa nang anyong kumilos Itong abang kandong na kalunus-lunos Nagising ang buhay na nakakatulog. Ang kaligtasan ni Florante
Sa narinig ni Aladin, lubos niyang napagtanto na kailangan niyang iligtas si Florante sapagkat nadurog ang puso ng gerero sa labis na habag. Hinanap niya ang nanaghoy na tinig. Napahindig ang moro nang Makita niyang umaaligid ang dalawang leon at handa nang silain ang nakagapos na sarili laban sa dalawang mabangis na leon. Noon din ay hinarap niya ang mababangis na hayop para iligtas si Florante. Pinagtatataga ni Aladin ang dalwang leon hanggang sa maigupo niya ang mga ito. Nang matiyak na patay na ang dalawang leon ay saka niya kinalagan ng gapos si Florante. Inalalayan niya ang nanlulupaypay na si Florante at dinala sa isang ligtas na lugar. Pinagmasdang mabuti ng gerero ang matikas na anyo at maamong mukha ng bayani ng Albanya. Unti-unting nagkamalay si Florante at nagbukas ng mga mata. |